15 Mga Katangian Ng Tao Na HINDI Mo Gugustuhing Pakasalan

Ang pag-aasawa ay malaking bagay, kahit na ang divorce rate sa Estados Unidos ay mahigit 50%. Kung handa ka ibigay ang iyong salita sa Diyos o awtoridad ng estado na mamahalin mo ang taong iyon magpakailanman, mas maganda na manatili kang tunay dito. O kahit papano'y subukan. Kahit na ang isang matamlay na pagtatangka ay magiging magaling sa puntong ito.

At labis na mahirap manatili sa isang kasal kasama ang isang tao na hindi mo matiis. Iyan ay kung ano ang dapat mong ilagay sa isipan matagal pa bago tumunog ang mga kampana sa simbahan! At kung sakali, heto ang isang listahan ng 15 mga katangian na hindi dapat magkaroon ang iyong kabiyak sa hinaharap.

1

Hindi kailanman kinokonsidera ang opinyon mo

Kung ang isang tao ay nakatuon sa kaniyang mga ideya at hindi nakikinig sa iyong sinasabi, iyon ay hindi magandang recipe para sa isang relasyon. Ilalagay mo ang iyong sarili sa malaking panganib kung magpapatuloy ka sa ganito!

source

2

Nakakasakit

Kung sila'y nagsasabi ng masasakit na salita, nagmumura ng labis at sa pangkalahatan ay mapang-abuso, ito ay dapat na maging isang senyales na hindi ka dapat mapaloob dito pangmatagalan. Sa katunayan dapat kang tumakbo, hindi maglakad, hangga't makakaya mo mula sa isang tao na tulad noon. Malabo na mabago mo sila, at pinagsasapalaran mo lamang ang iyong sarili.

source

3

Mga chainsmoker

Ito ay maaaring dumating bilang isang surpresa sa'yo, ngunit ang paninigarilyo ay masama para sa iyong kalusugan. Kaya kung ang kapareha mo ay naninigarilyo, ang tiyansa ay nakakakuha ka ng second hand smoke. At gayun din ang iyong mga anak – kasama na may halimbawang ang paninigarilyo ay isang bagay na ginagawa lamang ng matatanda. Pangit na baga, pangit na ngipin at ang umuunlad na banta ng kanser ay isang bonus lamang.

source

4

Workaholic

Ideal, sinusubukan mong makasama ang tao, para makapagbuo ng isang buhay gamit ang pinagsamang pagsusumikap. Iyon ay mas mahirap na gawin kung ginugugol nila ang lahat ng kanilang oras at enerhiya sa trabaho. Habang nakakatulong ang pera sa kasiyahan - hindi mo kinakailangang magpagod tungkol sa survival nang labis - ito'y hindi talaga maaaring palitan nito.

source

5

Clingy

Ang isang magandang relasyon ay may espasyo rin para makahinga, at ang taong laging madikit sa'yo ay hindi ibibigay ang mga iyon. Humanap ng isang tao na alam kung paano maging malaya - at pahihintulutan ka din na maging malaya.

source

6

Pinipigilan ang pagpapahayag mo

Huwag mahulog sa isang tao kung saan hindi ka kailanman hinahayaang ipahayag ang iyong sarili, na ayaw ka magbahagi ka ng iyong nararamdaman, na inuuna ang kaniyang interes bago sa'yo. Dapat ka nilang alagaan tulad nang pag-aalaga mo sa kanila.

source

7

Madalas mang-away

Ilang mga away ang hindi maiiwasan sa buhay, pero ang sobra ay sobra. Kung gusto nila lumipad sa gilid sa bawat okasyon, hindi iyon ang recipe para sa isang magandang pakikipagrelasyon. Humanap ng isang tao na matatag at mahinahon.

source

8

Naghahanap ng mga katuwiran

Kung ang isang relasyon ay nagsisimula sa walang kuwentang mga dahilan para sa mga bagay-bagay, hahantong ito sa'yo na walang anumang dahilan para sa pagsisimula nito. Ang isang tao tulad noon ay palagi kang hahayaang malungkot at di ka magkakaroon ng isang pangmatagalang pakiramdam ng kasiyahan sa kaniya.

source

9

Tamad

Kung ayaw nila gumalaw ng kahit isang daliri man lang o kaunting muscle para makatulong sa pang-araw araw na buhay, hindi ka nila tutulungang itayo ang iyong buhay may-asawa.

source

10

Bumabali ng mga pangako

Pinahahalagahan ng mga tao ang isang isang "taong may isang salita," at sa isang magandang dahilan. Ang isang taong hindi kayang panindigan ang kaniyang mga sinasabi ay hindi karapat-dapat sa pagtitiwala mo, at tiyak na hindi rin ang iyong kamay sa kasal.

source

Higit pa!
11

Makitid ang utak

Kung hindi hahayaan ng isang tao na palawakin ang kaniyang utak sa anumang paraan, ikakadena ka rin niya. Mapupunta ka sa maraming argumentong walang katuturan na kung saan-saan lamang mapupunta. Sa bandang huli, susubukan mo lamang igalaw ang isang hindi naigagalaw na bagay!

source

12

Mga kasinungalingan

Kinakailangan pa ba namin sabihin ito? Ang mga sinungaling ay hindi magandang kapareha, sa kadahilanang pinaparupok nila ang pangunahing teorya ng pagtitiwala.

source

13

Isip-bata

Ang isang tao na pakakasalan mo ay dapat seryosohin ang buhay imbis na pagiging YOLO lamang.

source

14

Hindi sineseryoso ang pakikipagrelasyon

Ang pag-aasawa ay isang seryosong bagay sa pakikipagrelasyon. Kung hindi ganoon ang pagtingin nila dito, siguro'y hindi mo siya dapat pakasalan.

source

15

Kinamumuhian ang mga hayop

Anong klaseng baliw na barabas ang mamumuhi sa mga hayop? Huwag mo silang pakasalan, huwag mo silang hayaan na magparami.

source

Talakayan

Marami Pang Mga Quiz