Ang 52M Pisong Wedding Cake Na Ito'y Gagawa Sa'yong Magnais Na Kainin Ang Mayayaman

Hindi mura ang pagpapakasal, dahil pakiramdam ng mga tao sa wedding business na maaari ka nilang tagain. Pero si Debbie Wingham ay nasa isang ganap na naiibang raket. Ang deal niya ay ang pagiging pinakamahal na designer sa buong mundo at gumawa lang naman siya ng isang cake na nagkakahalaga ng 52 milyong piso para sa isang wedding show sa Dubai.

Sumusukat ang cake na kahugis ng bride ng 182 sentimetro (72 pulgada) kataas at tumitimbang ng 120 kilo (264 libra) - higit kaysa sa modelo na nag-pose para sa paggawa! 1,000 mga itlog at 20 kilo (40 libra) ng tsokolate ang napunta sa bagay na ito. Ito'y nababalutan ng 50 kilo (110 libra) ng lacy confectionery - at ito'y ganap na nakakain! Lahat ng maliliit na mga bulaklak at talulot ay gawang kamay, at ang cake ay inabot ng 10 araw para i-decorate. Ang ulo ng "bride" ay dinekorasyonan ng mga perlas at three-carat na dyamante.

source

source

source

source

source

source

Higit pa!

source

source

source

source

source

source

Subalit, si Debbie ay hindi lamang isang cake designer. Gumagawa siya ng mga sapatos na nagkakahalaga ng 15 milyong dolyares kada pares, at ang nagdisenyo ng pinakamahal na black diamond dress, na nagkakahalaga ng 50 milyong dolyers. Buweno, alam ko na kung sino ang hindi magsu-supply sa kasal ko!

source

Talakayan

Marami Pang Mga Quiz